Saturday, August 30, 2008
Call Center Bloopers
Ang daming lumalabas na e-mails or text messages tungkol sa mga call center bloopers.May nakakatawa,na kaka shock at ang iba nga sa atin e nakaka relate. Well Isa ako don sa nakaka relate. Hindi biro ang mag trabaho sa call center.straneous job talaga.bukod sa nose bleed ka kung minsan e kailangan mahaba ang pasensya mo sa mga irate customers.Ka bad trip kaya madalas ang mga yun..Dati pag nakakakita ako ng mga cute na american babies e tuwang tuwa ako aba ngayon pag nakikita ko sila naiinis na ko kasi naiisip ko magsisilaki rin sila at dagdag sa mga mang iinis skin hehehe.
Maraming nakakatawang nang yayari sa call center somehow pang tanggal din ng stress yung mga bagay na un.Mas nakaka tawa kung ikaw mismo ang nakakarinig at nakaka experience. Naalala ko nung time na nag aaply palang ako..during the initial interview isa sa mga tanong e why do you want to work in a call center? E di sympre kanya kanyang pabibo.Ito ang isang sagot na hindi ko makalimutan na narinig ko sa isang kasabay ko na nag apply.
HR: Why do you want to work in a call center?
Applicant: Because I have an amnesia
HR: Sorry? What do you mean?
Applicant: I cant sleep at night
HR: ohh you mean insomnia…
Funny but true…di ko yun makalimutan.gusto ko na nga sumabat e na tama naman yung applicant na may amnesia siya kasi nakalimutan niya yung term ng insomnia hehehe (peace). Di madaling mag trabaho sa call center. Sa gitna ng sunod sunod na calls,irate customers,sang drum na kape at nag pipintugang eye bags…Mabuhay ka…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment