Monday, August 4, 2008
IMPAKTONG NGIPIN
Naramdaman mo na ba yung sobrang sakit na parang lahat ng parte ng mukha mo e masakit na din? Yung parang pumipitik sya na pinapasakit yung ulo mo ng sobra na parang gusto mo iumpog sa pader? Yung tipong pag nahanap mo yung tamang pwesto para mawala ang sakit e kulang na lang wag ka na gumalaw sa posisyon na yon..parang komplikado no? ang tinutukoy ko?....Ang SAKIT ng NGIPIN…
Hindi ko na matandaan kung ilang months na ko nag titiis dahil sa ngipin na to kung iisipin ko maigi may 3 months na din siguro.(salamat sa mga anti biotics at pain reliever)di kase sya simpleng kaso ng skit ng ipin e.Ang tawag sa kanya ay impacted tooth which by definition “An impacted tooth is any tooth that is prevented from reaching its normal position in the mouth by tissue, bone, or another tooth.
At ayon sa research ang madalas na nagiging impacted e yung mga wisdom teeth..ayon nga sapol ako…at sakin nya pa talaga ginustong tumubo e.pa espesyal parusa sakin. kaya ko tiisin lahat sakit ng ulo lagnat,sipon ubo wag lang to.Hindi lang sobrang sakit sobrang mahal pa ang pag papatanggal.Imagine naman di nakukuha ng simpleng extraction kelangan talaga minor surgery..hay naku sa totoo lang kaya rin natatagalan yung pagpapa surgery ko kasi…NATATAKOT AKO..huhuhuhu surgery kayo yon kahit minor pa..naman gulaman…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment