Friday, August 29, 2008

CHRISTMAS BLUES




Malapit na naman ang Pasko...Ang pagpasok ng September month ang simula ng papalapit na pasko...makakarinig ka na ng christmas songs sa mall, radio stations, tv shows.
Magsisimula na lumamig yung hangin,marami ng mag iisip na makipag bati sa mga kagalit nila nyahahaha.May mga nag iipon na rin ng pang regalo.Ang iba dyan sasagutin na ang mga nanliligaw sa kanila or pressured mag ka bf/gf para lang wag mapabilang sa malalamig ang christmas.Simula na ng simbang gabi at simbang barkada para sa ilan.di kumpleto ang misa de gallo pag wala ang puto bungbong at bibingka.mag uuwian na ang mga OFW sa saliw ng tugtog na babalik ka din.Ang mga bata excited di yan makakatulog kasi gusto na irampa agad ang bagong damit na bili ni nanay.Sandamakmak na christmas wrapper ang makikita mong binebenta sa gilid ng daan.angpao para sa mga ayaw mag balot ng regalo at peperahin na lang daw.SIksikan sa mall,christmas rush,sasamantalahin din yan ng mga bwisit na magnanakaw,snatcher at mga pesteng manyakis.
Ano nga ba ang PASKO? Sabi nila ang pasko para daw yan sa mga bata..ewan ko pero eversince kasi hindi ako masaya siguro dahil hindi rin naman ako namamasko nung maliit pa ko.(Nagsitago na ang magagaling kong ninang at ninong..hehe bitter?)Ayoko din nung feeling na malamig yung simoy ng hangin kasi nalulungkot ako umuulan nga din nalulungkot ako e.Di ko talaga alam kung bakit..Wala naman kakaiba na nang yari sakin para malungkot ako tuwing pasko..masaya naman family ko.may Bowa naman ako.siguro christmas blues lang talaga.Nakakalungkot din kasi isipin na after nung araw na yon balik lahat sa dati, nakakalimutan na ang lahat ng sinikap baguhin bago dumating yung araw ng pasko..parang walang nangyari normal na naman ang lahat..Ang pasko ba isang araw lang?????.Dont get me wrong natutuwa akong makita na marami ang masaya tuwing pasko kaya lang nawawala na yung spirit ng christmas.Sana lang lahat ng mga magaganda at masasaya nung araw na yon e naiwan at tumatak sa puso ng bawat isa. (drama...drama...drama)

No comments: